22nd Jan 2012
Sunday // 8am // 4 months ago
Friend zone
Hanggang dito na lang talaga siguro ako. Sabi nga ng friend ko, ginagawa niya akong bestfriend. Balewala na lang kasi ang feelings ko, hindi ka naman ganyan dati eh. Siya na lang kasi lagi eh. Ewan ko ba, obsessed ka na ata eh. Paulit-ulit yung mga kwento mo. Minsan, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi magkausap tayo lagi o magiging malungkot dahil siya na lang lagi ang pinag-uusapan natin. hate it. Manhid mo bro. Nakakainis ka. Nakakainis siya. Nakakainis kayo. Pero eto ang promise ko; nandito pa rin ako, makikinig pa rin sayo hanggang kaya ko. Kung saka sakaling hindi ko na kayahin, sorry na lang ha. Hanggang dun na lang talaga eh. Oo na, tanga na kung tanga. Ewan ko ba, sabi ko sa sarili ko hindi na ko magmamahal ng hindi ako mahal eh pero hindi mo rin naman kasi pwedeng pigilan ang puso mo sa pagpili ng mamahalin mo eh. Hindi ko naman pinagsisisihan yon pero sana kayanin ko pa.